Alkalde ng Nagasaki nagbabala ng ‘krisis’ sa anibersaryo ng atomic bombing
Sa ika-77 anibersaryo ng atomic bombing na nagwasak sa lungsod ng Nagasaki, sinabi ng alkalde ng lungsod na “Nuclear weapons present a ‘tangible and present crisis’ after Russia’s invasion of Ukraine.”
Sa anibersaryo ng atomic bombing ay nagbabala si Nagasaki Mayor Tomihisa Taue sa pagsasabing, “In January this year, the leaders of the United States, Russia, the United Kingdom, France and China released a joint statement affirming that ‘a nuclear war cannot be won and must never be fought’.”
Gayunman, ng sumunod na buwan ng Pebrero ay inatake ng Russia ang Ukraine at nagbanta na gagamit ng nuclear weapons na nagdulot ng takot sa buong mundo.
Babala ni Taue, “The use of nuclear weapons is not a ‘groundless fear’ but a ‘tangible and present crisis’ and they could be unleashed through mistaken judgements, malfunctions or in terror attacks.”
Aniya, “Instead of waging war, mankind should foster a ‘culture of peace’ that spreads trust, respects others and seeks resolutions through dialogue.”
Nitong Martes, ay nagtipon-tipon ang mga survivor at foreign dignitaries kasama ang daan-daang katao at nag-alay ng tahimik na panalangin sa ganap na 11:02 am (0202 GMT), ang eksaktong panahon nang bumagsak ang bomba sa Nagasaki.
Pinatunog ang mga kampana at nagpakawala ng mga kalapati habang isinasagawa ang memorial sa Peace Park ng lungsod.
Samantala, noong Sabado ay nagtalumpati si United Nations Head Antonio Guterres sa Hiroshima sa anibersaryo ng pag-atake na ikinasawi ng 140,000 katao maliban pa sa mga namatay nang ma-expose sa radiation.
© Agence France-Presse