Alkalde sa Mexico, pinatay ilang araw makaraang maupo sa puwesto
Pinatay ilang linggo makaraang maupo sa puwesto, ang alkalde ng estado ng Guererro.
Si Alejandro Arcos ay pinaslang anim na araw pa lamang ang nakalipas mula nang manungkulan bilang alkalde ng siyudad ng Chilpancingo, isang lungsod na mayroong humigit-kumulang 280,000 populasyon na nasa timog-kanlurang Mexico.
Sinabi ni Guererro Governor Evelyn Salgado, “His loss mourns the entire Guerrero society and fills us with indignation.’
Ayon sa tanggapan ng state attorney general ng Guerrero, iniimbestigahan na nila ang krimen.
A pick-up truck is transported from the scene where Alejandro Arcos, the mayor of Chilpancingo, was killed, in Chilpancingo, Guerrero state, Mexico October 6, 2024. REUTERS/Oscar Guerrero
Ang opisyal na kumpirmasyon ay ginawa makaraang kumalat sa messaging app na WhatsApp ang isang mensahe na naglalaman ng larawan ng isang putol na ulo na nasa ibabaw ng isang pick-up truck na tila kay Arcos.
Ang pagkamatay ng alkalde ay nangyari tatlong araw pa lamang ang nakararaan matapos na mabaril at mapatay ang bagong city government secretary na si Francisco Tapia.
Sinabi ni Senator Alejandro Moreno, “They were young and honest officials who sought progress for their community.’
Nanawagan din si Moreno, na siyang pinuno ng PRI political party ng Mexico, sa federal attorney general’s office na pangunahan ang imestigasyon sa pagpatay kina Arcos at Tapia.
Mexican security forces respond at the scene where Alejandro Arcos, mayor of Chilpancingo, was killed, in Chilpancingo, Guerrero, Mexico October 6, 2024. REUTERS/Oscar Guerrero
Ang Guerrero ay naging isa sa pinakamapanganib na mga estado para sa “aspiring at elected” public officials, maging para sa mga mamamahayag.
Hindi bababa sa anim na mga kandidato para sa public office ang pinatay sa estado bago ang June 2 elections.
Sa social media post ni Arcos, makikita ang mga aktibidad nito bago siya pinaslang, gaya nang pangangasiwa nito sa disaster relief operations kasunod ng epekto ng Hurricane John noong nakaraang buwan, na nagdulot ng malalang pagbaha sa beach resort ng Acapulco at mga nakapaligid na bayan.