Alok na foreign assistance para sa rehabilitation ng Marawi City dagsa ayon sa Malakanyang
Kinumpirma ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang pagbuhos ng alok na assistance mula sa international community para sa Bangon Marawi program.
Sinabi ni Diokno sa Mindanao Hour sa Malacañang kabilang sa mga nagsabi na ng kahandaang tumulong ang World Bank, Asian Development Bank, US, China, Russia at India.
Ayon kay Diokno hindi pa lang maidetalye sa ngayon kung magkano at anong paraan ng assistance ang ibibigay ng mga foreign donor.
Sa ngayon nasa P5 billion mula sa 2017 National budget ang magagamit sa Bangon Marawi pero posibleng mahigit P20 billion ang kakailanganin para sa mga imprastrakturang itatayo.
Ulat ni: Vic Somintac