Alokasyon ng anti- COVID vaccines sa CALABARZON, umabot na sa mahigit 1.38-M
Nadagdagan pa ang natanggap na bakuna kontra COVID-19 ng CALABARZON.
Sa pinakahuling datos ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON noong June 23, kabuuang 1,388,799 bakuna ang naibigay na ng nasyonal na pamahalaan sa rehiyon.
Pinakamarami sa bagong naidagdag na anti- COVID vaccines sa Region IV- A ay ang gawa ng Pfizer.
Mula sa dating mahigit 12,000 ay umabot na sa 198,910 Pfizer vaccines ang natanggap ng CALABARZON.
Samantala, lagpas 250,000 na ang fully vaccinated o nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna sa rehiyon mula sa A1 hanggang A4 priority groups.
Mahigit 98,000 sa nakakumpleto ng bakuna ay healthcare workers, nasa 84,000 ang senior citizens, 66,000 ang may comorbidities, at higit 600 ang economic frontliners.
Moira Encina