Alokasyon ng COVID-19 vaccines sa CALABARZON, higit 3.1-M na
Umaabot na sa mahigit 3.1 milyon na bakuna laban sa COVID-19 ang natatanggap ng CALABARZON.
Sa pinakahuling datos mula sa COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, kabuuang 3,105,470 ang naibigay na bakuna sa rehiyon ng nasyonal na pamahalaan.
Ang CoronaVac na gawa ng Sinovac ang pinakamarami na 1,464,210.
Nasa 875,000 ang AstraZeneca at mahigit 408,000 ang Pfizer vaccines na nailaan sa Region IV-A.
May 37,500 din na Sputnik V ang naibigay sa CALABARZON.
Nakatanggap na rin ang rehiyon ng alokasyon ng single-shot na COVID vaccines na Janssen na 320,000.
Samantala, fully-vaccinated na laban sa COVID-19 ang 507,256 indibidwal sa Region IV-A habang nasa 1.84 milyon ang naturukan ng unang dose ng bakuna.
Moira Encina