Alokasyon ng COVID-19 vaccines sa CALABARZON, mahigit 1.2-M na
Umaabot na sa mahigit 1.2 milyon ang alokasyon ng bakuna kontra COVID-19 ang natatanggap ng CALABARZON.
Sa pinakahuling datos ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, kabuuang 1,205,445 ang COVID-19 vaccines ang naibigay na sa rehiyon ng nasyonal na pamahalaan.
Mula sa nasabing bilang, ang pinakamarami ay ang CoronaVac ng Sinovac ng China na 858,695.
Nasa 330,000 naman ang AstraZeneca ang natanggap ang Region IV-A.
Nabigyan na rin ng 12,870 Pfizer vaccines at 3,000 Sputnik V ang CALABARZON.
Samantala, lagpas na sa 241,000 indibidwal mula sa A1 hanggang A4 category sa rehiyon ang nakakumpleto ng dalawang dose ng bakuna laban sa COVID.
Moira Encina