Alokasyon ng COVID-19 vaccines sa CALABARZON, mahigit 8.4 milyon na
Umaabot na sa mahigit 8.44 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang natatanggap ng CALABARZON mula sa nasyonal na pamahalaan.
Sa pinakahuling datos ng DOH CALABARZON, kabuuang 8,441,386 ang alokasyon ng bakuna sa rehiyon.
Ang CoronaVac na gawa ng Sinovac ang pinakamarami na mahigit 4.73 milyon at sumunod ang Pfizer vaccines na mahigit 1.45 milyon.
Nasa 964,000 naman ang AstraZeneca na naibigay sa rehiyon, mahigit 524,000 Moderna vaccines, at 381,000 na single-shot Janssen.
Nakatanggap din ang rehiyon ng Sinopharm vaccines na nasa 317,000 at Sputnik V na 63,000.
Una nang sinabi ng Malacañang na ang CALABARZON ang makatatanggap ng pinakamalaking alokasyon ng bakuna sa huling quarter ng taon o 17 million doses ng COVID vaccines.
Moira Encina