Alonte Sports Arena sa Biñan City, Laguna, gagawing Mega-quarantine facility
Gagawing Mega-quarantine facility ng pamahalaan ang Alonte Sports Arena sa Biñan city, Laguna.
Ito ang magiging ika-sampung mega-quarantine facility ng gobyerno ngayong Covid-19 pandemic.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), iko-convert ang Sports arena na makeshift hospital para doon gamutin ang mga Covid-19 patients mula sa rehiyon ng Timog Katagalugan partikular na sa Laguna.
Magkakaroon ito ng bed cubicles, nursing stations, sanitation chambers at storage areas.
Ininspeksyon na ni National Task Force Covid-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. at mga opisyal ng DPWH ang pasilidad.
Suportado naman ng mga lokal na opisyal ng Biñan City government na maging quarantine facility ang Sports complex.
Sisimulan ang pagsasaayos sa lugar sa susunod na linggo.
Inaasahang makukumpleto ang konstruksyon nito sa loob ng pitong araw.
Ulat ni Moira Encina