Alternatibong panglunas sa mga sakit, patuloy na inihahain sa publiko
Hanggang sa kasalukuyan, kontrobersyal pa rin ang House Bill 180 na inamyendahan bilang House Bill 6517 o ang paggamit ng medical cannabis o medical marijuana para ipanglunas sa iba’t-ibang uro ng sakit o karamdaman.
Ayon kay Dra. Annabelle Pabiona de Guzman, Director-General ng Philippine Institute of Traditional and alternative health care o PITAHC, marami-rami na rin namang naganap na usapin lalu na sa panig ng mga nasa medical communities kaugnay ng legalisasyon nito bilang lunas sa iba’t-ibang karamdaman.
Ayon sa doktora, may stand ang PITAHC tungkol sa nasabing usapin na legalisasyon ng medical cannabis.
“But the stand of Pitahc that we will be involved in the research and development of medical cannabis for the use of various health problems, primarily pains and for seizure control. But at this moment, we cannot say that we are for that legalization”.
Samantala, patuloy namang inihahain ng PITAHC sa publiko ang iba’t-ibang uri ng panglunas sa sakit kabilang ang mga halamang gamot na aprubado ng DOH gaya ng ampalaya para sa Diabetes; Bawang para sa high-blood o Hypertension; Lagundi para sa sipon, ubo at hika; Sambong para sa lagnat, rayuma, pampaihi at pang-alis ng kidney stones o bato.
Ulat ni Belle Surara