Ama ni Taylor Swift iniimbestigahan ng Australian police dahil sa umano’y pananakit
Sinabi ng Australian police na iniimbestigahan nila ang isang 71-anyos na lalaki dahil sa umano’y pananakit sa isang photographer sa Sydney.
Ayon sa nag-aakusa, ang lalaki ay ama ni Taylor Swift.
Sinabi ng tagapagsalita ng pulisya na si Alicia McCumstie, “Police have been told a 71-year-old man allegedly assaulted a 51-year-old man at Neutral Bay Wharf before leaving the location.”
Aniya, “The younger man reported the incident and inquiries are now under way by officers attached to North Shore Police Area Command.”
Sinabi ng umano’y biktima na si Ben McDonald, na ang nanakit sa kaniya ay ang ama ni Swift na si Scott Swift.
Kuwento ni McDonald, kinukunan niya ng larawan ang US pop icon sa isang “super yacht” sa Sydney Harbour, pagkatapos ng huli sa apat na concert nito sa siyudad.
Ayon sa akusasyon ni McDonald, hinarangan siya sa mukha ng isang security ni Swift gamit ang payong upang mapigilan siyang kumuha ng mga larawan ni Taylor, na naglalakad patungo sa naghihintay na sasakyan.
Aniya, “After Swift departed, a man confronted me and punched me in the chops. I didn’t know who he was, but I looked at photos and saw him holding hands with Taylor, and it was her dad. It was a shock. That’s never happened to me in 26 years.”
Hindi karaniwang binabanggit sa publiko ng Australian police ang pagkakakilanlan ng mga taong inaakusahan o bintang ng mga krimen.
Si Taylor Swift ay kasalukuyang nasa kalagitnaan ng kaniyang worldwide blockbuster na Eras Tour.
Ngayong linggo ay patungo siya sa Singapore para sa next leg ng inaasahang magiging “highest-grossing musical tour of all time” na kumita na ng higit sa isang bilyong dolyar.