Ambulansya bumangga sa isang dumptuck sa bayan ng Ramon sa Isabela
Nayupi ang isang ambulansiya matapos mabangga ng isang dumptruck sa national highway, sa Brgy. Raniag sa bayan ng Ramon, sa Isabela.
Ang naturang ambulasya ay mula sa bayan ng Quezon, Nueva Vizcaya na minamaneho ni Allan Bartolome, 47 anyos, at residente ng Baretbet, Nueva Vizcaya, habang ang dumptruck naman ay minamaneho ni Anastacio Lorena, Jr., 37 anyos at residente ng Brgy. Raniag, Ramon, Isabela.
Ang dumptruck na nakabanggaan ng ambulasya ay pag-aari ng Local Government Unit (LGU) ng bayan ng Ramon, habang ang ambulansya naman ay pag-aari ng Local Government Unit ng Quezon, Nueva Vizcaya.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) AT Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa bayan ng Ramon.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, ang dumptruck ay papahinto na sana sa kaliwang bahagi ng iskinita, nang biglang bumangga ang ambulansya na nasa gawing likuran nito.
Bunsod nito, na-trap sa loob ng ambulansya ang driver nito kaya kinailangan pang gamitan ng extrication equipment upang siya ay mailabas.
Samantala, sugatan din ang apat nitong sakay kabilang ang municipal health officer ng Queaon, Nueva Vizcaya na nakilalang si Dr. Julie Ann Bingayan, na agad dinala sa Southern Isabela Medical Center para gamutin.
Ulat ni Kimuel Cruz