American airlines flight patungong New Delhi, nag-divert landing sa Rome dahil sa bomb threat

An American Airlines Boeing 737 Max 8 comes in for landing at LaGuardia Airport in New York, U.S., March 12, 2019. REUTERS/Shannon Stapleton/File Photo
Isang American airlines flight mula New York, ang nag-divert landing sa Rome nitong Linggo dahil sa security concern.
Ayon sa sources, nasa bahagi na ng Caspian Sea ang eroplano na may lulang 200 nang makatanggap umano ng bomb threat ang isang crew.

Check-in and departure gates signs are seen at the terminal at Fiumicino’s International airport near Rome, Italy, March 23, 2016. REUTERS/Stefano Rellandin
Ligtas namang nakalapag sa Leonardo Da Vinci Airport sa Rome ang eroplano at nanatili doon nang magdamag upang mabigyan ng panahong makapagpahinga ang mga pasahero at crew, bago lumipad patungong Indira Gandhi International Airport sa New Delhi, ngayong Lunes.
Pagkalapag ay agad na ininspeksiyon ng law enforecement sa Rome ang aircraft, ngunit wala namang nakitang anumang pampasabog.
Ang Boeing 787-9 Dreamliner flight ay galing sa John F. Kennedy International Airport sa New York.