Andean forest sa Colombia nilamon ng apoy
Ang dating matingkad na luntiang kagubatan ng Andes, kung saan nagtatrabaho si Maria Yadira Jimenez bilang tour guide, ay naging abo na.
Simula pa nitong Lunes, ang mga sunog sa kagubatan ay umuusad sa Nemocon, isang rural area na may magagandang tanawin mga 60 kilometro (37 milya) sa labas ng kabisera ng Colombia na Bogota.
Bagama’t karaniwang malamig, ang mga bundok na nakapalibot sa bayan ay naging tila impiyerno, sanhi ng mga sunog na dahilan ng paglikas ng mga residente at pagtakas ng mga hayop-gubat.
Dahil dito ay sumama na si Jimenez sa mga boluntaryo na kasama ng mga bumbero, rescuers, pulis at militar, ay nakikipaglaban upang maapula ang isa sa 34 na sunog na natukoy ng gobyerno sa Colombia, na nagdeklara na ng isang “natural disaster” sa gitna ng mainit at tuyong kondisyon dahil sa El Nino climate phenomenon.
Ayon sa mga awtoridad, simula noong Nobyembre, mahigit 17,000 hektarya na ang nilamon ng mga sunog sa magkabilang panig ng Colombia, nang magsimula ang tagtuyot at nagsimula nang tumaas ang mga temperatura.
Dahil walang karanasan sa emergency response at wala ring alinmang fireproof clothing, ang mga boluntaryo ay sumusunod lamang sa yapak ng mga bumbero at gumagamit lang ng mga pitsel na may lamang tubig, upang palamigin ang mga lugar na nakontrol na.
Gamit lamang ang mga piko, pala at palakol, binubungkal nila ang umuusok na lupa upang matiyak na ang apoy ay hindi na muling sisiklab.
Sinabi ng 46-anyos na si Jimenez, “This is a disaster that is going to bring very serious consequences. Birds were burned, native species were lost and everything was affected.”
Nagawang mailigtas ng environmental authority sa lugar, ang isang fox at isang kuwago, ngunit hindi naging masuwerte gaya nila ang ibang mga hayop na namatay sa sunog.
Sa Bogota, ay pumailanlang sa himpapawid ang mga usok mula sa hanay ng mga bundok na nasa gilid ng lungsod na tinitirhan ng may walong milyong katao. At buong araw na maririnig sa bahaging silangan ang ingay ng mga helicopter na nagbubuhos ng tubig sa apoy.
Nahaharap sa “natural disaster” na idineklara ng gobyerno, humingi na ng tulong si Colombian President Gustavo Petro sa international partners nito.
Sinabi ng Environment Ministry, na hindi bababa sa 20 sunog ang aktibo pa rin, na nakaapekto na sa mga kagubatan, mga bukirin at ecosystems sa mga bundok na nagbibigay ng tubig sa mas mabababang lugar.
Inakusahan ng mga nakatira sa Nemocon ang isang power company na siyang nagsimula ng sunog, na kumalat nang di namamalayan sa mga tuyong pine trees sa lugar.
Ayon naman sa kompanya, “the fire was caused by ‘climatic conditions generated by the heat wave’ and our officials have shut down supply lines that cross the area.”
Sinabi ng environmental authority na Ideam, ang January 2024 ay tinatayang magiging pinakamainit na buwan sa Colombia simula nang umpisahan ang pagtatala, 30 taon na ang nakalilipas.
Ayon kay Jimenez, “The sun didn’t sting so much before.”
Ang 52-anyos na si Francisco Mendoza, ay nagkarga ng tubig sa isang pump upang pigilan ang apoy na umabot sa kaniyang ari-arian.
Aniya, “We haven’t stopped day and night. Everyone’s property is my property, so when a neighbor is at risk, we are all at risk. We are trying to support each other in that way.”
Hinuhulaan ng Ideam na ang Pebrero ay magiging mas mainit, at sa Marso lamang maiibsan ang sitwasyon kapag umulan na.
Sinabi naman ni Mendoza, na isa iyong mensahe mula sa kalikasan, sa pagsasabing “It is Mother Earth crying for help because we are behaving very badly with her.”