Aneurysm, isang kundisyon sa ugat ng puso na dapat bantayan ayon sa eksperto
Isa sa mga sakit na dapat bantayan ay ANEURYSM.
Ito ay ang pagluwag o paglobo ng mahinang ugat mula sa puso ng halos 50% ng orihinal na laki nito.
Ayon kay Dr. Rody Sy, isang Cardiologist, ang nakalulungkot, sa kabila ng pinsalang idinudulot ng naturang sakit sa tao, hindi ito gaanong napag -uusapan.
May mga uri ng aneurysm, ito ay ang cerebral aneurysm, thoracic aneurysm, at abdominal aortic aneurysm.
Sinabi din ni Dr. Sy na ang karaniwang uri ng aneurysm na dumadapo sa tao ay abdominal aneurysm.
Kapag nag kakaedad na ang isang tao, tumitigas ang ugat kaya ang aneurysm ay kadalasang nararanasan ng mga taong ang edad ay animnapu pataas.
Bantayan ang blood pressure, sugar level, cholesterol level upang maagapan ang anumang sakit na maaring dumapo tulad ng mga lifestyle diseases.
Mahalaga din ang pagkakaroon ng proper diet,bawasan ang maalat, matataba at matatamis na pagkain hanggat maaari.
Maglaan ng oras sa pag-eexercise.
Iwasan ang mga bisyo na tulad ng paninigarilyo.
Ingatan ang kalusugan lalo na sa panahong ito na nararanasan pa rin ang pandemya dulot ng COVID – 19.
Belle Surara