Ang problema naman sa overfishing ang isa sa tututukan ngayon ng gobyerno.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pinag-aaralan ng pamahalaan na magpatupad ng fishing ban at iba pang mga hakbang para mapataas ang fish population at mapagbuti ang aquaculture sa bansa.
May mga lugar din aniya na hindi dapat pangisdaan at hayaan itong maging breeding site ng mga isda.
Ayon sa Pangulo, kasama ang fisheries sa development plan ng gobyerno.
Binigyang diin ni PBBM na hindi lang sila sa suplay ng bigas at mais nakatutok kundi maging sa pagpapabuti ng fishery at livestock sectors.
Kabilang rin sa mga programa ng Marcos administration ang pagptatayo ng mas maraming cold storage facilities para maiwasan ang pagkasira ng mga produkto.
Plano rin nilang maglagay ng pagawaan ng yelo sa maliit na fish ports para magamit ng mga mangingisda.
Madelyn Moratillo