Angelina Jolie nag-aral ng opera singing para sa kaniyang role bilang si Maria Callas
Kinailangang pag-aralan ni Angelina Jolie ang opera singing upang paghandaan ang gagampanang papel bilang si Maria Callas, isa sa ‘greatest sopranos of all time’ at sinabing ito ang pinakamahirap na papel na kaniyang ginampanan.
Ang Maria, sa direksiyon ni Pablo Larraín, ay naglalarawan sa mga huling araw ni Calla sa Paris. Inaalala rito ang magaganda at hindi magagandang pangyayari sa kaniyang nakalipas, sa panahong pinahanga niya ang mga manonood sa buong mundo dahil sa kahanga-hanga niyang tinig.
Ayon kay Jolie, “This is the hardest, the most challenging role. I was like on another planet because it was so beyond what I was comfortable with as a person and as an artist,” at nagbalik-tanaw siya sa mga kinunang eksena sa sikat na La Scala opera house sa Milan.
Si Jolie ay lumabas sa higit sa 60 mga pelikula, kabilang ang mga blockbuster na puno ng aksyon at emosyonal na mga drama, at nanalo na rin ng Oscar bilang Best Supporting Actress para sa kanyang papel sa 1999 film na Girl Interrupted.
Sinabi ni Jolie kay Larrain na kaya niyang umawit, ngunit pagkatapos ay napagtanto na kailangan niyang maabot ang isang ganap na ibang antas, kung saan tumagal ng pitong buwan ang kaniyang pagsasanay para sa role.
Aniya, “I thought I could sing like people sing in film, you pretend to sing or you sing a little. And it was very clear early on that I was going to really have to learn to sing because you can’t really fake opera.”
Sinabi ni Alba Rohrwacher, na gumanap sa papel ng housekeeper na labis ang paghanga kay Callas, “She (Jolie) did a lot of singing lessons, incredibly, and sang from morning to night. We were really touched, we cried during the shoot.”
Ayon naman kay Larrain, “I had grown up listening to opera and hoped my latest film would encourage people to explore an art form that has lost much of its public appeal since Callas’ death in 1977 aged just 53.”
Dagdag pa niya, “We really hope this movie creates an interest towards opera, whatever the number of people, be it five people, 10, a million or more.”
Ang Maria ay isa sa 21 mga pelikula na lalaban para sa prestihiyosong Golden Lion award sa Venice Film Festival, na tatagal hanggang Setyembre 7.