Anim na hostages pinalaya ng Hamas kapalit ng Palestinian detainees

Families and supporters react as they celebrate the release of Omer Wenkert, a hostage who was held in Gaza since the deadly October 7, 2023 attack, on the day of the release of six hostages from captivity in Gaza as part of a hostages-prisoners swap and a ceasefire deal between Hamas and Israel, in Gedera, Israel February 22, 2025. Photo: REUTERS/Rami Shlush
Anim na hostages ang pinalaya ng Hamas kapalit ng daan-daang Palestinian prisoners at detainees.
Ang unang dalawang bihag na pinalaya sa Rafah sa southern Gaza ay sina Tal Shoham, Avera Mengistu, sinundan nina Eliya Cohen, Omer Shem Tov at Omer Wenkert, na pawang binihag mula sa pinagdausan ng Nova music festival, sa pag-atake ng Hamas noong October 7, 2023 sa southern Israel.
Ang ika-anim na bihag na nakilalang si Hisham Al-Sayed ay pinalaya naman sa gaza city.
Ang mga ito ay itinurn-over sa Red Cross sa Nuseirat at inilipat sa Israeli forces.
Ang anim, ay ang huling buhay na hostages mula sa isang grupo ng 33, na nakatakdang palayain sa unang stage ng ceasefire deal sa pagitan ng Israel at Hamas, na nagkabisa noong January 19.
Kapalit ng Israeli hostages, ay inaasahang palalayain ng Israel ang mahigit sa anim na raang Palestinian prisoners at detainees na nasa mga kulungan.
Kabibilangan ito ng 445 Gazans na inaresto ng Israeli forces sa panahon ng giyera, maging ng dose-dosenang mga bilanggo an nasentensiyahan ng habangbuhay na pagkakakulong.
Samantala, humigit-kumulang pa sa 60 mga bihag, na wala na sa kalahati ang pinaniniwalaang buhay pa, ang nasa Gaza pa rin.
Ang pagpapalaya sa mga bihag na pinangasiwaan ng Hamas, ay kinapapalooban ng mga pampublikong seremonya kung saan ang mga bihag ay dinadala sa stage at ang ilan ay binibigyan pa ng pagkakataong magsalita.
Umani naman ito ng kritisismo, kung saan kinondena ng United Nations ang anila’y “parading of hostages.”
Itinanggi naman ng Hamas ang mga batikos, at inilarawan ang mga seremonya bilang isang solemneng pagpapakita ng pagkakaisa ng Palestinian.