Anim na korporasyon ipinagharap ng reklamo ng BIR sa DOJ dahil sa higit Php29-M hindi binayarang buwis

Sinampahan ng reklamong tax evasion ng BIR sa DOJ ang anim na korporasyon mula sa mga lungsod ng Makati, Muntinlupa, at Las Piñas dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.

Ayon sa BIR, kabuuang Php29.23 million na utang sa buwis ang hinahabol nito sa SOUTH PHOENIX AIRWAYS COMPANY, INC., HALLEY MOVERS EXPRESS CORPORATION, PHILIPPINE SOLUTIONS PROVIDER CORPORATION, ELITE TRAVEL CENTER, INC., at MEGA MAINTENANCE AND ALLIED SERVICES, INC.

Ipinagharap din ng reklamo ng BIR ang mga opisyal ng mga nasabing korporasyon.

Ang Elite Travel na nasa Alabang, Muntinlupa ang may pinakamalaking tax liability na mahigit Php9.26 million.

Tuluyan nang inireklamo ng BIR sa DOJ ang respondents dahil sa kabiguang bayaran ang tax deficiency sa kabila ng paulit-ulit na abiso sa mga ito.

Moira Encina

Please follow and like us: