Anim patay sa kindergarten attack sa China
Anim katao ang namatay at isa ang nasugatan sa nangyaring pag-atake sa isang kindergarten sa Guangdong province sa southern China.
Sinabi ng isang tagapagsalita ng gobyerno, “The victims include one teacher, two parents and three students.”
Hindi naman siya nagbigay ng detalye tungkol sa edad o pagkakakilanlan sa mga biktima, maging ang armas na ginamit sa pag-atake na nangyari sa siyudad ng Lianjiang.
Aniya, “One suspect has been arrested, a police investigation was underway.”
Sa isang pahayag ay sinabi ng lokal na pulisya, na ang suspek ay isang 25-anyos na lalaking may apelyidong Wu.
Samantala, inalis na mula sa video-sharing platform na Douyin at Twitter-like Weibo, ang mga video na kuha ng mga dumaraan na nag-aangkin na makikita dito ang pinangyarihan ng krimen.
Bagama’t mahigpit na kinokontrol ang pagmamay-ari ng mga baril, nakararanas naman ang ang China ng sunud-sunod na mass stabbing incidents.
Ang mararahas na krimen sa China ay tumataas habang ang ekonomiya ay lumalago nitong mga nakaraang dekada, at ang agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap ay mabilis na lumalawak.
Ang mga pag-atakeng nagreresulta sa kamatayan na ang target ay mga estudyante at mga paaralan, ay naranasan ng bansa nitong nakalipas na mga taon.
Ang naturang mga pag-atake ang pumuwersa sa mga awtoridad na paigtingin ang seguridad, at nag-udyok ng mga panawagan para sa higit pang pananaliksik sa mga ugat ng mga naturang marahas na pagkilos.