Anim patay sa sunog sa India
Hindi bababa sa anim katao ang namatay sa sunog na tumupok sa isang hotel sa eastern India.
Nangyari ang sunog sa Pal Hotel sa Patna, kapitolyo ng Bihar state, at mabilis na kumalat sa mga katabing gusali bago naapula.
Sinabi ng isang pulis na ayaw magpakilala, “So far six people have been killed, but the toll was likely to go up as the rescue operation was still underway.”
Dagdag pa niya, 18 iba ang nasaktan at nag-aagaw buhay sa isang lokal na pagamutan.
Inabot ng mahigit tatlong oras bago naapula ng mga bubero ang sunog, na nagsimula bandang tanghali nitong Huwebes.
Ayon kay Senior fire brigade officer Sobha Ohatkar, “Negligence had likely led to the disaster.”
Pangkaraniwan na ang mga sunog sa buong India dahil sa hindi maayos na safety standards at kakulangan ng pagpapatupad sa mga regulasyon.
Maraming commercial buildings ang walang emergency exits o gumaganang fire-fighting equipment.