Anim patay sa sunog sa isang hostel sa New Zealand
Damage is seen on the Loafers Lodge hostel building following a fatal fire in Wellington on May 16, 2023. (Photo by Marty MELVILLE / AFP)
Hindi bababa sa anim katao ang nasawi sa sunog na tumupok sa isang apat na palapag na hostel sa kapitolyo ng New Zealand.
Kitang-kita mula sa bubungan ng Loafers Lodge hostel sa central Welington, ang apoy at makapal na usok habang inaapula ng 80 bumbero at 20 trak ang sunog.
Sinabi ng pulisya at emergency services, na maraming tao ang namatay habang 52 katao naman ang nailigtas, at dose-dosenang iba ang hindi pa nabilang.
Sinabi ni Prime Minister Chris Hipkins, na ang bilang ng mga namatay ay hindi bababa sa anim at sinabi naman ng alkalde ng lungsod na maaaring mas mataas pa ito kaysa nabanggit.
Ayon sa Fire and Emergency deputy national commander na si Brendan Nally, “Firefighters used a ladder truck to save people trapped on the roof. They plucked quite a few people off the top of the roof from an area directly above the fire. There was no other way. Those people were going to perish, except for the intervention of our team. Multiple people are walking around because of it.”
Aniya, walang sprinklers o ano pa man sa naturang hostel at hindi rin awtomatikong tumunog ang fire alarm.
Sinabi pa ng fire services, na nasa 90 katao ang hinihinalang nasa gusali nang magsimula ang sunog.
Ayon sa punong ministro, “The fire is ‘an absolute tragedy.’ I understand six confirmed dead previously, but it looks like there were likely to be more.”
Sinabi ng New Zealand leader, na maraming shift workers ang naninirahan sa hostel, kaya mahirap malaman kung gaano karaming tao ang nasa gusali nang mangyari ang sunog.
Ayon kay Wellington Mayor Tory Whanau, “I expected the toll to be ‘a lot more’ than six, it is ‘absolutely staggering.’ For our Wellington community, it does feel like a dark day.”
Aniya, ang hostel ay tahanan ng pinaghalong long at short-term residents, kabilang ang ilan na nabubuhay sa mababang suweldo o namamalagi sa New Zealand sa pamamagitan ng isang “transitional” basis.
Sinabi naman ng ambulance service ng lungsod, na anim katao ang dinala sa pagamutan na ang isa ay malubha ang lagay, at 15 iba pa ang ginamot mismo sa lugar na pinangyarihan ng sunog.
Isang tagapagsalita ng pulisya ang unang nagsabi na ang pinal na bilang ng namatay ay inaasahang hindi aabot sa sampu, ngunit ang bilang ay malalaman lamang kapag napasok na nila ang gusali.
Pinuri naman ng prime minister ang aniya’y “incredible effort” ng mga bumbero upang apulahin ang sunog at ilikas ang mga tao.
Aniya, “I acknowledge the victims and their families — an absolutely tragic set of circumstances, a tragic situation. I promised to make a ‘thorough review’ of the disaster. There will be an opportunity to test whether this building was fully compliant with all of the rules that it needed to be compliant with but obviously the focus at the moment is supporting our firefighters.”
Ayon sa pulisya, ang sanhi ng sunog ay “hindi maipaliwanag” kaya makikipagtulungan sila sa fire services upang alamin ang dahilan nito.