Ano Ba Ang Iyong Personalidad?

 

Today, mga kapitbahay ay pagtutuunan natin ng pansin ang ukol sa iba-ibang personalidad  ng isang tao. Nagtanong-tanong tayo  ukol dito  at ibabahagi ko ang mga nakuha nating impormasyon mula kay Ms. Carolyne Padua, Personality Development Coach at Public Speaker. 

Ang sabi ni Ms. Carol,  may apat na uri  ng personalidad. Una,  ang dominant o strong personality type. Maoobserbahan ito sa relasyon ng mag-asawa, kapag  si misis  ay nag-o-overpower kay mister. Nagiging dominante  at laging nasusunod.  Sinasabing ang mga may dominant personality ay ipinanganak na lider o isang born leaders. 

Ang ikalawang uri  ay ang influential type of personality.  Ang mga ganito ang personalidad ang sinasabing buhay ng isang grupo, kapag hindi nagsalita ay boring, hindi masaya.  Ika nga, siya ang life of the party.  Ang problema lang sa ganitong uri ng personality, nagiging  playful o parang bata o may Peter Pan syndrome. Optimistic ang ganitong personalidad at talagang may good sense of humor. 

Ang third type of personality  is the steady type.  Ito yung mga ayaw ng away o pakikipagtalo. Siya yung tipo na ang hirap sa kanya para tumanggi sa mga pakiusap o pabor. Kapag inaya, kahit hindi pwede at ayaw niya ay papayag pa rin para lamang ma-please ang  kausap. Kulang sa inisyatibo. Pero, mabuting tagapakinig o good listener ang mga may ganitong personalidad at service-oriented. 

At ang ikaapat ay ang corrective type of personality.  Sila yung mga mahuhusay sa math, finance, kapag may nagbenta ang itatanong agad ay kung ano ang magiging profit nya.

Analytical ika nga, organisado, may self-discipline kaya lang ang kahinaan nila, may pagka-pessimistic, at sensitibo sa mga puna. May pagka- suspicious din at fault-finder. 

Sabi ni Ms. Carol, pwedeng taglayin natin ang apat na uri ng personality  kapag tayo ay nagdaraan sa isang sitwasyon.  Maaaring namatayan o mula sa isang broken relationship. 

At meron dalawang factors influencing your personality, sabi nya,  isa ay hereditary o namana sa pamilya; ang ikalawa ay environmental. 

Dagdag pa niya, your personality is the average behavior or attitude of five persons na malapit sa iyo. 

At para anya ma-interpret scientifically ang personality, kailangang sumailalim sa isang eksaminasyon. 

Now, alam n’yo na po kung ano ang personality ninyo o ng inyong mga kasama . 

Sana muli kaming nakapagbahagi ng kapakipakinabang na impormasyon. 


Please follow and like us: