Antas ng alerto sa pinaka aktibo nilang bulkan, itinaas na ng Iceland
Itinaas na ng Iceland ang alert level para sa posibleng pagputok ng pinaka aktibo nilang bulkan, makaraan ang ilang maliliit na mga paglindol na naitala nitong Lunes.
Ang Grimsvotn volcano na nasa isang remote area sa central Iceland na walang nakatira, ay nasa ilalim ng isang malaking glacier.
Ilang linggo nang binabantayan ng mga eksperto ang Grimsvotn matapos sumambulat ang glacier lake nito, isang pangyayari na maaaring magdulot ng volcanic eruption.
Sa huling pagsabog nito noong 2011, isang ash cloud ang nagdulot ng minor air traffic disruptions, kung saan nasa 900 flights ang nakansela.
Ikinukonsidera iyong “minor” kumpara sa pagsabog noong 2010 ng Eyjafjallajokull volcano, na naging sanhi ng kanselasyon ng 100,000 flights at pagkaka-stranded ng sampung milyong mga pasahero.
Ayon sa Icelandic Meteorological Office (IMO), ang alert level para sa Grimsvotn volcano ay itinaas sa “orange” mula sa “yellow,” dahil sa “heightened seismic activity.”
Ang color code na idinisenyo upang ipaalam sa aviation industry ang panganib ng isang pagsabog, ay nangangahulugan na ang bulkan ay nagpapakita ng mas mataas na aktibidad na may mas mataas na posibilidad ng pagsabog, ayon sa sukat ng IMO.
Ilang lindol na may sukat ng hanggang 3.6-magnitude ang naitala nitong Lunes.
Sinabi pa ng IMO na bagama’t tumaas ang aktibidad sa nakalipas na dalawang araw, ay wala pa silang na-detect na pag-akyat ng magma.
Ayon sa IMO . . . “This seismic activity may be due to the decreasing pressure above the volcano, as the floodwaters have been released from the subglacial lake. A natural phenomenon known as ‘jokulhlaup,’ the subglacial flooding began around two weeks ago and reached a peak early Sunday.”
Dagdag pa nito . . . “Measurements showed that the ice-cap on Grimsvotn’s subglacial lake has subsided by about 77 meters (253 feet). The easing of pressure on the volcano, spurred by the flowing of millions of tonnes of water, can trigger an eruption. That was the case in 2004, 1934 and 1922.”
Matatagpuan sa ilalim ng Vatnajokull, na pinakamalaking glacier sa Iceland, ang Grimsvotn ay huling pumutok noong 2011. Pumuputok ito tuwing 5-10 taon. (AFP)