Antas ng turismo sa bansa, muling tataas dahil sa pagdating ng mga anti-Covid vaccines
Masaya ang Department of Tourism (DOT) sa pagdating ng mga anti-Covid-19 vaccine sa bansa at pagsisimula ng Vaccination program ng gobyerno.
Sinabi ni Tourism secretary Bernadette Romulo-Puyat, mas magkakaroon na kasi ng confident magbiyahe ang mga turista at unti-unti nang makababangon ang turismo ng bansa.
Paliwanag ni Puyat, umaabot kasi sa 4.8 milyon mula sa 5.7 milyong nasa sektor ng turismo ang naapektuhan ng Pandemya.
Ilan sa mga ito ay nawalan ng hanapbuhay habang ang iba ay nabawasan ang suweldo.
Sa ngayon halos lahat ng Tourist Destination sa bansa ay nagbukas na ngunit hindi pa sila tumatanggap ng mga dayuhang turista.
Pag-uusapan pa kasi ng DOT at Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga guidelines para sa lahat ng accomodations kung maaari nang tumanggap ng mga foreign traveler.
Sa mga nagpaplano namang mamasyal at magtungo sa mga tourist destinations lalu na ngayong tag-init ay paalala ng kalihim na sundin ang mga umiiral na health at safety protocol upang maging ligtas ang pagbiyahe.
DOT Sec. Berna Puyat:
“Masaya kami dahil at least nagbubukas na ang ating tourist destinations pero paalala lang, we encourage everybody na Travel Local, Support Local but mag-ingat pa rin. Yung minimum health at safety protocol, please wear a mask, face shield, kung kailangan ay physical distancing, talagang kailangan laging nag-aalcohol. There’s no stopping summer pero stay safe please”.