Anthony Edwards tinulungan ang Wolves sa panalo nito kontra 76ers

Minnesota Timberwolves guard Anthony Edwards (5) dunks against the Philadelphia 76ers in the third quarter of their game at Wells Fargo Center, Philadelphia, Pennsylvania, USA on April 5, 2025. Kyle Ross-Imagn Images via Reuters
Umiskor ang shooting guard ng Minnesota Timberwolves na si Anthony Edwards ng 37 puntos kabilang ang isang pares ng clutch baskets, para tulungan ang koponan na makamit ang 114-109 road win laban sa Philadelphia 76ers para sa ila-limang sunod na panalo ng Wolves.
Naisalpak ni Edwards ang isang 3-point shot sa nalalabing 7.1 seconds, habang ang Timberwolves ay mayroong 2-point lead na sumelyo sa 18-point fourth quarter para kay Edwards.
Nakatulong din ang 3-pointer sa Minnesota para umakyat sa 3-0 sa kanilang five-game road swing at manatili para sa isang garantisadong playoff sa mahigpit na Western Conference race.
Ang huling five points ni Edwards ay nagbigay sa Minnesota ng 109-103 lead.
Samantala, nagbigay din ng 23-points na ambag si Rudy Gobert para sa Wolves, kasama ang 19 rebounds at three blocks, habang naka-iskor din ng 15-points si Julius Randle at 13-points si Donte Divincenzo.
Sa panig naman ng Sixers, ay gumawa ng 18-points si Lonnie Walker IV at limang assists, habang si Yabusele ay 19 points at three steals, at si Jared Butler naman ay 16 points at eight assists.