Anthrax sa mga livestock , hindi nakamamatay – DOH
Pinawi ni Health Secretary Ted Herbosa ang pangamba ng mga Pilipino sa napabalitang Anthrax na nakukuha sa mga livestock.
Kasunod yan ng napaulat na Anthrax outbreak sa Laos kung saan tinamaan ng bacteria ang mga alagang kalabaw, baka at mga kambing.
Sa panayam kay Herbosa sa Senado, sinabi nito na ang “derma” anthrax na posibleng makuha ng mga magsasaka ay iba sa kinatatakutang weaponize Anthrax noong 2001 na ikinamatay noon ng maraming tao sa Estados Unidos.
Paliwanag ni Herbosa, ang Anthrax sa mga livestock ay hindi nakamamatay at karaniwan ang sakit na ito sa mga magsasaka.
Nakukuha aniya ang Derma Anthrax ng mga magsasaka na nakapaa kung saan natatapakan ang mga dumi ng alagang kalabaw o baka.
Hindi aniya ito dapat ikabahala dahil nagagamot naman ito agad ng antibiotic.
Meanne Corvera