Anti-Covid-19 vaccination sa mga menor de edad, plantsado na- Malakanyang
Tuloy na sa October 15 ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga menor de edad.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque isasagawa ang anti-COVID-19 vaccination sa mga menor de edad sa ilang piling ospital sa Metro Manila na kinabibilangan ng National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, Pasig City Children’s Hospital, Fe del Mundo Medical Center, Philippine General Hospital, Makati Medical Center, St. Luke’s Medical Center sa Taguig at Philippine Children’s Medical Center.
Ayon kay Roque ang rollout ng anti-COVID-19 vaccine sa mga nabanggit na ospital ay by age group na 15 to 17 years old at 12 to 14 years old.
Inihayag ni Roque ang pagbabakuna sa mga menor de edad ay bahagi ng paghahanda sa isasagawang pilot testing ng face to face na pagpasok ng mga estudyante sa paaralan.
Niliwanag ni Roque sa ngayon mayroon ng sapat na supply ng anti-COVID-19 vaccine sa bansa para bakunahan ang mga menor de edad kasama ang general population.
Vic Somintac