Anti Discrimination Bill hiniling na ipasa na sa Senado
Umaapela si Senador Sonny Angara sa kapwa mambabatas na ipasa na ang matagal nang nakabinbin na panukalang batas na Comprehensive Anti-Discrimination Bill.
Layon ng panukalamg batas na mabigyan ng proteksyon ang karapatang-pantao ng bawat indibidwal.
Sa harap ito ng tumitinding diskriminasyon gaya ng paninira sa kapwa, paghihikayat ng gulo o galit, pananakit, pambu-bully at iba pang uri ng discrimination.
Sakaling maging batas, sakop ng Senate Bill 948 ang diskriminasyon sa ibat ibang lahi, relihiyon, paniniwalang pulitikal, estado sa buhay, kasarian, sexual orientation, gender identity and expressions, estado ng relasyon ng isang tao, kapansanan, at karamdaman
Sinumang lalabag maaring mabilanggo nang isa hanggang anim na taon o pagbabayad ng multa na hindi hihigit sa limandaang libong piso.
Ulat ni: Mean Corvera