Anti-drug and Youth Empowerment Symposium, isinagawa sa Tabuk City
Nagsagawa ng Anti-Drug and Youth Empowerment symposium na binuo ng Tabuk City Police Station, sa Barangay Hall ng Bulo, Tabuk City sa Kalinga.
Ang nasabing programa ay dinaluhan ng nasa 90 mga kabataan.
Layunin ng ganitong aktibidad na patuloy na turuan ang mga kabataan, para maiwasan na sila ay maging biktima ng paggamit at pagbebenta ng illegal na droga.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ng Kalinga Provincial Office, ang mga kabataan ay madaling mahikayat sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot dahil sa ibat ibang kadahilanan, gaya ng peer pressure, curiosity, personal o problemang pampamilya at marami pang iba, na kung hindi maagapan ay mauuwi sa adiksyon at tiyak na ikapipinsala ng kanilang kalusugan at kinabukasan.
Kaugnay nito ay hinikayat din ng PDEA ang mga magulang na subaybayang mabuti ang mga anak, para mailayo sila sa anumang bagay o sitwasyong mapanganib.
Ang programang ito ng pulisya at PDEA sa Kalinga, ay bilang pagtugon sa Republic Act 9165.
Ulat ni Xian Renzo Alejandro