Anti-illegal drug program na “Kabataan Kontra Droga at Terorismo,” isinagawa sa San Jose Del Monte
Sa direktiba at pangunguna ni Police Major Julius Alvaro, hepe ng Philippine National Police San Jose Del Monte (PNP-SJDM), ikinampanya ng kapulisan ang programang “Kabataan Kontra Droga at Terorismo.”
Isinagawa ito sa Barangay Maharlika, na nilahukan ng punong barangay na si Kapitan Andro Batingan at ni Police Corporal Frederick Sunga.
Bilang bahagi ng malawakang kampanya ng mga pulis kotra droga at terorismo, ay namahagi sila ng t-shirt sa mga miembro nito at sa mga sumusuporta sa gobyerno.
Hinikayat naman ng PNP-SJDM ang mga kabataan, na lumahok sa programa at magkaisa upang labanan ang lumalalang ilegal na mga gawain sa kanilang lugar.
Bukod dito ay mag-iikot din ang mga pulis sa bawat barangay upang ituro sa mga kabataan ang pag iwas sa panghihikayat ng sino alinmang grupo o hindi lihitimong organisasyon sa kanilang lugar.
Hinimok din ng PNP-SJDM ang publiko, na maging mapanuri sa iba’t-ibang grupo na nanghihikayat sa kanilang sumali at maging miyembro ng kanilang grupo, kapalit ng mga benepisyo.
Tuloy-tuloy namang isasagawa ng mga pulis sa iba’t-ibang lugar na kanilang nasasakupan, ang kampanya laban sa droga at terorismo.
Ulat ni Oneil Manuel