Anti- Terror Council hindi pakikialamanan ang pag-endorso ng CPP-NPA ng mga kandidato
Wala raw nalalabag sa batas kung magbigay ng suporta sa sinumang kandidato sa darating na eleksyon ang alinmang grupo na konektado sa CPP- NPA.
Ito ang pahayag ni Justice Secretary at Anti- Terror Council Member Menardo Guevarra kaugnay sa mga ulat na nagsasabing inendorso ng CPP-NPA ang kandidatura nina Vice- President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan.
Ayon kay Guevarra, aaksyon lamang ang Anti-Terrorism Council (ATC) laban sa mga grupong konektado sa CPP-NPA kung sila ay naghasik na ng karahasan para manakot at guluhin ang kapayapaan at palabasin na ginagamit ang kanilang political rights.
Una nang itinanggi ni Robredo ang pekeng balita sa isang text blast na nakipag-alyansa at bubuo ito ng coalition government sa CPP- NPA.
May video rin na kumalat sa Facebook na nagsasabing tinanggap nina Robredo at Pangilinan ang pag-endorso sa kanila ng CPP-NPA
Moira Encina