Antigen at pagsusuot ng facemasks hindi na mandatory sa Senado
Hindi na oobligahing sumailalim sa antigen test at hindi na rin mandatory ang pagsusuot ng facemasks sa mga senador, empleyado at mga bisita ng senado sa lunes.
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, aalisin na ang mga dating ipinatutupad na health protocol at mga paghihigpit na ipinatupad dahil sa COVID 19.
Sa plenary hall inalis na rin ang mga markers at acrylic barrier na inilagay sa bawat pagitan ng mga lamesa ng mga senador bilang pagpapatupad ng social distancing.
Pero payo ni zubiri kung may lagnat at masama ang pakiramdam, huwag nang magtungo sa senado para hindi na makahawa
Ipagbababawal naman ang mga virtual o online na pagdalo sa sesyon.
Samantala, puspusan na ang ginagawang paglilinis ngayon sa session hall ng senado para sa pagbabalik ng sesyon sa lunes.
Alas diez ng umaga ang opening ng second regular session kung saan inaasahang magpapasa lang ng mga resolusyon para mag-convene ang Kamara at Senado para sa pagdaraos ng SONA.
Agad mag-a-adjourn sa tanghali para bigyan ng pagkakataon ang mga senador na magtutungo sa Batasan Complex.
Inaasahang dadalo sa pagbubukas ng sesyon ang mga Foreign Dignitaries at pamilya ng mga mambabatas.
Meanne Corvera