Antique Gov’t., umaapela sa DA Mindoro na payagang makadaan sa kanilang pantalan ang mga baboy mula Western Visayas

Photo: Antique Provincial Government
Office

Humingi ng tulong si Governor Rhodora Cadiao sa Department of Agriculture ( DA ) Region 6 na umapela  sa  Department of Agriculture-Mindoro na payagang makadaan sa Port of Mindoro ang mga baboy na galing sa Western Visayas.

Sa pamamagitan ng Teleconferencing, nakipagpulong ang Gobernadora sa mga miyembro ng Regional  Development Committee, Congressional District Representative, Department of Agriculture (DA), Department of Environment and Natrural Resources (DENR), Department of Health ( DOH ), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Tourism (DOT ) at Department of Public Works and Highways (DPWH) upang pag-usapan ang nasabing isyu.

” Dito sa Antique, sobra sobra ang baboy, sa Manila mahal dahil kulang sa supply, kaya sana payagan ng Mindoro na makadaan sa port nila. Ilang beses tayo nag-appeal kasi kawawa naman ang mga hog raisers sa Western Visayas “ pahayag ni Cadiao.

Ayon naman kay DA Regional Director Peter Sobrevega,  ang Western Visayas ay African Swine Fever

 (ASF) free sa kasalukuyan.  Kaya naman patuloy aniyang makikipag-koordinasyon ang kanilang tanggapan sa DA-Mindoro na payagan na ang kahilingan ng Antique Provincial Government.

Umaasa naman ang Gobernadora  na pagbibigyan ng Mindoro ang kaniyang apela.

Klint Calimpong

Please follow and like us: