Antique tinamaan ng 4.3-magnitude na lindol
Isang 4.3-magnitude na lindol ang tumama sa Antique ngayong umaga ng Martes, September 21, 2021.
Ayon sa Phil. Inst. of Volcanology and Seismology o PAGASA, ang lindol ay tumama kaninang alas-3:10 ng madaling araw.
Ang sentro nito ay apat na kilometro sa hilagangkanluran ng Valderrama, at may lalim na 15 kilometro.
Narito naman ang mga napaulat na intensities at instrumental intensities:
Reported Intensities:
Intensity III – Valderrama, Antique
Instrumental Intensities:
Intensity III – Valderrama, Antique
Intensity I – San Jose De Buenavista, Antique
Wala namang napaulat na pinsala sa ari-arian o aftershocks.
Please follow and like us: