Apat katao patay matapos masagasaan ng tren sa Spain
Apat katao ang nasawi at tatlong iba pa ang nasaktan, nang masagasaan ng isang commuter train sa Spain habang tumatawid sa riles, sa isang unauthorised area ayon sa mga opisyal.
Ito ang pinakabago sa isang serye ng katulad na mga insidente, na isinisi ng regional officials ng Catalonia sa kakulangan ng pondo ng central government.
Ayon sa emergency services sa northeastern region ng Catalonia, nangyari ang aksidente habang tumatawid ang isang grupo ng pito katao sa riles sa Montmelo, halos 20 kilometro (12 milya) sa hilaga ng Barcelona.
Sinabi ng regional civil protection agency, “Firefighters searched for other possible victims near the train. They did not find any others. They also helped evacuate the area.”
Ayon sa Spanish media, ang grupo ay paalis na mula sa isang techno music festival sa Montmelo race track, na tanyag sa pagho-host sa F1 racing events, sa bisperas ng isang holiday sa Catalonia.
Batay sa pahayag ng state rail infrastructure operator ng Spain na Adif at ng state-owned railway operator na Renfe, “A group of people crossed the tracks at an unauthorised point, in a curve of difficult visibility.’
Nagpadala ang emergency services ng siyam na mga ambulansiya at isang helicopter sa pinangyarihan ng aksidente.
Hindi naman nangailangan ng atensiyong medikal ang halos 170 katao na lulan ng commuter train.
Sinuspinde rin ang biyahe ng tren sa kahabaan ng riles kasunod ng aksidente.
Sinabi ng pinuno ng regional government ng Catalonia na si Pere Aragones, “I am completely distraught by the multiple collision of a train at Montmelo, a tragedy that leaves us breathless.”
Aniya, “Emergency services are continuing to work and offering support to the victims and their families. police are investigating the causes of the accident.”
Samantala, nagpaabot na rin ng kaniyang pakikiramay si Transport Minister Raquel Sanchez sa pamilya ng mga biktima.