Apat na centenarian sa Tarlac, pinarangalan at binigyan ng cash
Bilang pagbibigay pugay sa pagsapit ng kanilang ika-100 taong kaarawan, apat na centenarian ang pinarangalan at binigyan ng cash incentives ng pamahalaang panlalawigan ng Tarlac, sa pangunguna nina Governor Susan Yap at Vice Gov. Atty. Carlito David.
Sa pamamagitan ng Provincial Ordinance (PO) No. 001-2016, o mas kilala bilang “Tarlaqueno Centenarians Ordinance of 2016,” na iniakda ni Vice Gov. David, ang apat na centenarian ay pinarangalan at tumanggap ng P100,000 cash incentives.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Paniqui Vice Mayor Bien Roxas, Mayor Leonardo Roxas, at sinaksihan din nina Municipal councilors Luming Bravo, Me-Ann Fernandez at ni MSWDO Eugene Galanga.
Ang apat na centenarian ay sina Lola Filipina Timbol ng Barangay San Roque, Lola Arcadia Puno ng Barangay Sto. Cristo, Lola Patricia Pasion ng Barangay Maluid, Victoria at Lola Dominga Ortelano ng Barangay Ventinilla, Paniqui.
Labis naman ang katuwaan at pasasalamat ng mga centenarian at kani-kanilang pamilya sa tinanggap na parangal at cash.
Ulat ni Aser Bulanadi