Apat na dayuhang may pekeng passport naharang ng Bureau of Immigration sa NAIA
Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport ang tangkang pagpuslit ng apat na nagpakilalang Arab nationals patungong United Kingdom.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, isang pamilya ito na tinangkang sumakay sa flight patungong Hongkong pero ang final destination ay sa UK.
Nagduda aniya ang immigration officer sa authenticity ng travel documents ng mga ito.
Matapos niyang inspeksyunin sa forensic documents laboratory ng BI, nakumpirmang peke ang pasaporte ng mga ito.
Ayon kay Atty. Carlos Capulong, hepe ng BI port operations, ang mga nasabing pasahero ay dumating sa Maynila noong Nobyembre 6 at nanatili ng 2 linggo sa Metro Manila bago nagbook patungong UK.
Sa ngayon kinukumpirma pa ng BI ang tunay na nationality ng mga ito.
Madelyn Villar-Moratillo