Apat na pulis sugatan sa pagsabog sa Maguindanao
Apat na pulis ang sugatan sa isang pagsabog sa Maguindanao.
Sumabog ang isang Improvised Explosive Device na ikinasugat ng apat na pulis at tatlo sa mga ito ang malubhang nasugatan.
Nakita ang bomba na nakalagay sa tabi ng daan sa Raja Buayan, Maguindanao.
Kinilala ni Senior Supt. Agustin Tello, Maguindanao Police Commander, ang apat na sugatang pulis na sina SPO2 Mohammad Ampatuan, PO3 Ali Malok, PO3 Harim Ampatuan, at PO1 Norodin Olympain.
Patungo sa Maguindanao Police Provincial Office ang mga pulis para sa isang command conference on anti-illegal drug campaign nang maganap ang pagsabog.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, kapareho ng ginagamit na bomba ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang ginamit na pampasabog.
Ayon naman kay Raja Buayan Mayor Zamsamin Ampatuan mga drug syndicate ang may pakana ng pagsabog dahil nadiskubre ng mga otoridad ang kanilang drug den.
Wala namang sibilyan na nadamay sa nasabing pagsabog.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo