Apat na suspek ikinustodiya kaugnay ng Moscow concert hall massacre
Isinailalim na sa kustodiya ang apat na lalaking akusado ng pagkakasangkot sa masaker sa Moscow concert hall na ikinamatay ng 137 katao, habang nagdeklara naman ang Russia ng isang national day of mourning kasunod ng pag-atake na inangkin ng Islamic State.
Ayon sa Basmanny district court, lahat ng apat na suspek ay kinasuhan ng terorismo at mahaharap sa panghabangbuhay na pagkabilanggo. Sila ay ididitini hanggang sa May 22 ngunit maaaring lumawig pa depende sa petsa ng kanilang paglilitis.
Sinabi ng korte na dalawa sa defendants ang nag-plead ng guilty, at isa sa kanila, na mula sa Tajikistan, ay “ganap na inamin ang kaniyang kasalanan.”
A man suspected of taking part in the attack of a concert hall that killed 137 people, the deadliest attack in Europe to have been claimed by the Islamic State jihadist group, sits inside the defendant cage as he waits for his pre-trial detention hearing at the Basmanny District Court in Moscow on March 25, 2024. At least 137 people, including three children, were killed when camouflaged gunmen stormed the Crocus City Hall, in Moscow’s northern suburb of Krasnogorsk, and then set fire to the building on March 22 evening. (Photo by Olga MALTSEVA / AFP)
Nangako si President Vladimir Putin na parurusahan ang mga nasa likod ng aniya’y “barbaric terrorist attack,” at sinabing apat na lalaki ang naaresto habang nagtatangkang tumakas patungo sa Ukraine. Mariin namang itinanggi ng Kyiv na may kinalaman ito sa pag-atake.
Wala namang binanggit sa publiko si Putin tungkol sa pag-aangkin ng Islamic State (IS) group sa responsibilidad.
Hindi bababa sa 137 katao, kabilang ang tatlong bata, ang namatay noong Biyernes ng gabi nang salakayin ng armadong mga lalaki ang Crocus City Hall sa northern suburb ng Krasnogorsk sa Moscow pagkatapos ay sinunog ang gusali.
Dalerdjon Barotovich Mirzoyev suspected of taking part in the attack of a concert hall that killed 137 people, the deadliest attack in Europe to have been claimed by the Islamic State jihadist group, sits in the defendant cage as he waits for his pre-trial detention hearing at the Basmanny District Court in Moscow on March 24, 2024. A Russian court on March 24, 2024 ordered the continued detention of the first suspect in the Moscow concert hall attack that left more than 130 people dead. Moscow’s Basmanny district court ordered Dalerdjon Barotovich Mirzoyev, a citizen of Tajikistan, to remain in custody until May 22 pending a terrorism investigation, according to a statement from Moscow city courts on Telegram. (Photo by TATYANA MAKEYEVA / AFP)
Ito na ang ‘deadliest attack’ sa Europe na inako ng IS.
Nagpost ng isang video ang Investigative Committee ng Russia ng apat na suspek habang dinadala sa kanilang headquarters sa Moscow.
Wala namang pahayag ang pitong iba pang suspek na naaresto kaugnay ng pag-atake.
Sinabi ng mga opisyal na lahat ng gunmen ay pawang mga dayuhan.
Noong Sabado ay nagpost ang Islamic State group sa Telegram na ang pag-atake ay “isinagawa ng apat na IS fighters na armado ng machine guns, isang baril, mga kutsilyo at firebombs bilang bahagi ng pakikipag-giyera sa mga bansang lumalaban sa Islam.”
Ayon sa SITE intelligence group, isang video na nasa isang minuto at kalahati ang tagal, na malinaw na kinunan ng gunmen, ang ipinost sa social media accounts na tipikal na ginagamit ng IS.
Ang video na lumilitaw na kinunan mula sa lobby ng concert venue, ay nagpapakita sa ilang indibidwal na malabo ang mukha at boses, na nagpapaputok gamit ang assault rifles at isang nagsisimula nang sunog sa background.
Dalerdjon Barotovich Mirzoyev suspected of taking part in the attack of a concert hall that killed 137 people, the deadliest attack in Europe to have been claimed by the Islamic State jihadist group, gestures in the defendant cage as he waits for his pre-trial detention hearing at the Basmanny District Court in Moscow on March 24, 2024. A Russian court on March 24, 2024 ordered the continued detention of the first suspect in the Moscow concert hall attack that left more than 130 people dead. Moscow’s Basmanny district court ordered Dalerdjon Barotovich Mirzoyev, a citizen of Tajikistan, to remain in custody until May 22 pending a terrorism investigation, according to a statement from Moscow city courts on Telegram. (Photo by Olga MALTSEVA / AFP)
Sinabi ng Russian investigators na pagkatapos pumasok sa teatro at namaril ng mga manonood, sinunog ng armadong mga lalaki ang gusali, sanhi upang marami ang ma-trap sa loob.
Ayon sa health officials, ang bilang ng casualties ay umakyat na sa 182, kung saan 101 katao ang nasa ospital pa rin, na ang 40 rito ay “kritikal” o “lubhang kritikal” ang kondisyon.
Ang naturang pag-atake ang pinakagrabe sa Russia mula nang mangyari ang Beslan school siege noong 2004.
Nasa 29 na mga biktima ang napangalanan na ng emergency situations ministry, ngunit naging mahirap ang pagkilala sa mga ito dahil sa nangyaring sunog.
Samantala, ang museums, theatres at cinemas sa paligid ng bansa ay isinara, at ang mga billboard ay pinalitan ng memorial posters.
Patuloy din ang pagdagsa ng mourners sa concert hall sa northwest Moscow upang magdala ng mga bulaklak bilang tribute sa mga biktima.
Mahigit sa 5,000 katao ang nagdonate ng dugo kasunod ng pag-atake ayon sa mga opisyal, at nagkaroon ng mahabang pila ng mga tao sa labas ng mga klinika.
Sa ibang bansa, ang mga tao ay nag-iiwan ng mga bulaklak sa labas ng Russian embassies bilang pakikisimpatiya.
Noong Sabado ay nangako si Putin, “retribution and oblivion to the ‘terrorists, murderers and non-humans’ who carried out the barbaric terrorist attack.”
Ilan sa mga ka-alyado ng Russia ang nanawagan na alisin na ang moratorium sa death penalty, na nagbunga naman ng pag-aalala sa kalipunan ng mga kritiko ng Kremlin.
Ang pahayag ni Putin noong Sabado ay nagmumungkahi ng isang Ukraine connection.
A man suspected of taking part in the attack of a concert hall that killed 137 people, the deadliest attack in Europe to have been claimed by the Islamic State jihadist group, sits in the defendant cage as he waits for his pre-trial detention hearing at the Basmanny District Court in Moscow on March 24, 2024. At least 137 people, including three children, were killed when camouflaged gunmen stormed the Crocus City Hall, in Moscow’s northern suburb of Krasnogorsk, and then set fire to the building on March 22 evening. (Photo by TATYANA MAKEYEVA / AFP)
Sa isang televised address ay sinabi nito, “They tried to escape and were travelling towards Ukraine, where, according to preliminary data, a window was prepared for them on the Ukrainian side to cross the state border.”
Sa kaniya namang evening address noon ding Sabado ay itinanggi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang anumang suhestiyon ng pagkakasangkot ng Kyiv.
Maging sa Moscow ay may pagdududa rin ang ilan sa sinabi ni Putin.
Sinabi ng 22-anyos na si Vomik Aliyev na malimit magtungo sa concert hall at nagsabing ang kaniyang mga magulang ay Muslim, “I’m not inclined to believe the version about Ukraine’s involvement… this is more like those committed by Islamist extremists.”
Dinismis din ng Washington ang anumang suhestiyon ng pagkakasangkot ng Kyiv.
Sinabi ni White House National Security Council spokeswoman Adrienne Watson, “ISIS (Islamic State group) bears sole responsibility for this attack.”
Nitong Linggo ay inanunsiyo ni French Prime Minister Gabriel Attal na ang bansa ay muling isasailalim sa top security alert status kaugnay ng pag-atake sa Russia at sinabing “given the threats’ weighing on our country.”
Isinisi niya ang pag-atake sa Islamic State group.