Apat patay, 21 nasaktan nang bumagsak ang bubong ng isang restaurant sa Spain
Apat katao ang namatay at 21 iba pa ang nasaktan, nang bumagsak ang bubungan ng isang restaurant sa popular na tourist island ng Mallorca sa Spain.
Sinabi ng isang emergency services spokeswoman, “There are four dead and around 21 injured, ‘several nationalities’ were among the victims.”
Sa post ng emergency services sa social media, sinabi nila, “Seven of the victims were in a ‘very serious’ state and nine others had ‘serious’ injuries, with different hospitals admitting them.”
A survival blanket allegedly covering a body is seen after a two-storey building collapsed in restaurants area, killing at least two and injuring around 12 people on Playa de Palma, south of the Spanish Mediterranean island’s capital Palma de Mallorca, on May 23, 2024. . (Photo by Jaime REINA / AFP)
Ang bumagsak na dalawang palapag na gusali ay nasa Playa de Palma area sa timog ng Palma de Mallorca, kapitolyo ng naturang Mediterranean island.
Hindi pa batid ang sanhi ng pagbagsak.
Nagpahayag ng pakikiramay si Spanish Prime Minister Pedro Sanchez sa pamilya ng mga biktima at sinabing, “I was closely following the consequences of the terrible collapse. The central government was prepared to send ‘all the necessary resources’ to help the regional authorities cope.”
Emergency staff’s members work after a two-storey building collapsed, killing two and injuring around 12 people on Playa de Palma, south of the Spanish Mediterranean island’s capital Palma de Mallorca, on May 23, 2024. (Photo by Jaime REINA / AFP)
Sinabi ni Sanchez na nakausap niya ang pangulo ng Balearic Islands region, kung saan naroroon ang Mallorca at maging ang city mayor.
Ayon kay Balearic Islands President Marga Prohens, “nabigla” siya sa balita at sinabing ipina-aabot niya ang kaniyang pakikiramay sa pamilya ng apat na namatay.
Ang Mallorca na kilala sa magaganda nitong beaches, at ang Balearic Islands ay nakahihikayat ng higit na mas maraming mga turista kaysa lahat ng Spanish regions kasunod ng Catalonia.
Mahigit sa 14 na milyong mga turista ang bumisita sa isla noong nakaraang taon, ayon sa opisyal na bilang.
Ang collapse incident ay nangyari sa pagsisimula ng ‘high tourist season’ sa isang beachfront avenue na tahanan ng ilang mga tindahan at entertainment venues.
Nang gumuho ang isang tatlong palapag na gusali sa Palma de Mallorca noong 2009 ay pito katao ang namatay, kabilang ang dalawang Germans at tatlong Colombians.