Apat patay, 28 ang nasaktan sa nangyaring pamamaril sa isang birthday party sa Alabama
Hindi bababa sa apat katao ang namatay at higit 20 iba pa ang nasaktan na karamihan ay teenagers, sa nangyaring pamamaril sa isang birthday party sa Alabama.
Ayon sa local news reports, nangyari ang pamamaril sa isang Sweet 16 party sa isang dance studio sa Dadeville, isang maliit na bayan sa hilagang-silangan ng kapitolyo ng estado na Montgomery.
Sinabi ni Sergeant Jeremy Burkett, isang tagapagsalita para sa Alabama Law Enforcement Agency (ALEA), “There were four lives tragically lost in this incident, and there’s been a multitude of injuries.”
Aniya, 28 katao pa ang nasugatan na ang ilan ay kritikal ang lagay, at hinimok ang mga residente na magbigay ng anumang impormasyon na may kaugnayan sa nangyari. Ngunit wala nang ibinigay na iba pang detalye si Burkett sa kung paano nagsimula ang pamamaril at kung bakit.
Sinabi ni Annette Allen sa Montgomery Advertiser, na ang apo niyang lalaki na si Phil Dowdell ay kabilang sa mga nasawi, ipinagdiriwang aniya nito ang ika-16 na kaarawan ng kaniyag kapatid na babaeng si Alexis nag maganap ang pamamaril.
Ayon kay Allen, “He was a very, very humble child. Never messed with anybody. Always had a smile on his face. He is a high school senior and football player due to graduate within weeks. Everybody’s grieving.”
Sinabi naman ni US President Joe Biden, matapos siyang i-brief tungkol sa nangyari, “The nation was again grieving over young Americans killed in gun violence. What has our nation come to when children cannot attend a birthday party without fear? Guns are the leading killer of children in America, and the numbers are rising — not declining. This is outrageous and unacceptable.”
Sinabi naman ni Heidi Smith, marketing director para sa rural health facility operator na IvyCreek Healthcare, na ang kalapit na Lake Martin Community Hospital ay tumanggap ng 15 indibidwal na karamihan ay teenagers, na nagtamo ng gun-shot wound.
Anim sa mga pasyente ay nakalabas na habang ang siyam ay inilipat sa mas maayos na pasilidad, kung saan lima sa mga ito ay nasa kritikal na kondisyon.
Higit 12 oras makalipas ang trahedya, wala nang ibinigay na detalye si Burkett o iba pang law enforcement officials, kung sino ang namaril o kung bakit, o kung ang suspek ba ay nakaditini na.
Ayon sa sarhento, “We can’t share anything further at this time,” it was tied to a birthday party.”
Tinawag naman ni Dadeville Chief of Police Jonathan Floyd ang naturang bayan na isang “tight-knit community full of wonderful people.”
Sinabi ng Alabama Law Enforcement Agency, na naglunsad na ng imbestigasyon ang kanilang State Bureau of Investigations kasama ng Dadeville police at federal agencies kabilang ang FBI.
© Agence France-Presse