Apat patay sa Mount Fuji bago pa man ang climbing season: NHK
Apat na bangkay ang narekober malapit sa summit ng Mount Fuji, ilang araw bago magsimula ang summer climbing season.
Matagal nang nagbabala ang mga awtoridad sa mga climber na mag-ingat kapag aakyat sa pinakamataas na bundok sa Japan.
Noong Lunes ay opisyal nang binuksan ang hiking trails ng Mount Fuji.
Ang bangkay ng tatlo katao ay natagpuan malapit sa crater ng bulkan, habang hinahanap naman ng rescuers ang isang Tokyo resident na hindi na nakauwi matapos umakyat sa bundok, ayon sa national broadcaster na NHK.
Ang nabanggit na lalaki ay kumuha pa ng larawan mula sa summit at ipinadala sa kaniyang pamilya noong Linggo.
Iniulat ng NHK na ang pagkakakilanlan sa tatlong bangkay ay hindi pa nakukumpirma.
Ayon pa sa NHK, isang climber ag tumawag sa pulisya mula sa isang trail malapit sa summit noong Miyerkoles at iniulat na ang kaniyang kasama ay sumama ang pakiramdam at nawalan ng malay.
Dinala ito sa ospital na nasa lugar, kung saan nakumpirma ang kaniyang pagkamatay.
Gayunman, hindi ito agad kinumpirma ng lokal na pulisya.
Four bodies were recovered near the summit of Mount Fuji, Japanese media reported Wednesday, days before the summer climbing season begins. (Photo by Philip FONG / AFP
Ang Mount Fuji ay nababalot ng yelo sa malaking bahagi ng taon, ngunit mahigit sa 220,000 mga bisita ang umaakyat sa matarik at mabatong dalisdis nito tuwing July-September hiking season.
Marami ang umaakyat sa gabi upang makita kinabukasan ang pagsikat ng araw at may ilan na tinatangkang abutin ang 3,776-metre (12,388-foot) summit nito nang walang pahi-pahinga, na ang resulta ay nagkakasakit sila o nagkakaroon ng injury.
Ipinabatid na ng regional officials ang safety at environmental concerns, na may kaugnayan sa ‘overcrowding’ sa bundok na simbolo ng Japan at dati ay isang “peaceful pilgrimage site.”
Ang mga hiker na gagamit sa pinakasikat na ruta upang umakyat sa Mount Fuji, ang Yoshida trail ay magbabayad ng 2,000 yen ($13) bawat isa ngayong summer, habang ang entry fee naman ay itinaas sa 4,000 sa unang pagkakataon upang mabawasan ang dami ng tao.