Apat patay sa sunog sa Spain
Apat katao ang namatay at 14 ang nasaktan, sa malaking sunog sa isang multi-storey apartment block sa eastern port city ng Valencia sa Spain.
Sinabi ng isang source sa city council na ayaw magpakilala, na ang bilang ng mga namatay ay maaari pang tumaas, habang mayroon pang 19 kataong nawawala.
Nagsimula ang sunog sa ika-apat na palapag at mabilis na kumalat, ayon sa mga nakasaksi at sa emergency sevices, kung saan makikita sa mga larawan ang apoy at makapal na maitim na usok na bumabalot sa gusali na nasa Campanar neighbourhood sa western Valencia.
Sinabi ni Jorge Suarez Torres, deputy director of emergency services para sa Valencia region, “It can be confirmed that four people have died.”
A huge fire rages through a multistorey residential block in Valencia on February 22, 2024. Spanish firefighters were battling a huge fire raging through a multistorey residential block in the eastern port city of Valencia today, the emergency services said. Flames and vast clouds of black smoke engulfed the building, with 22 teams of firefighters battling high winds to tackle the blaze, the 112 emergency services said. In a post on X, formerly Twitter, the emergency services said seven people had been lightly injured: a minor, three adults and three firefighters, most of them suffering from smoke inhalation. (Photo by Jose Jordan / AFP)
Ayon naman sa emergency services, 14 katao ang nagtamo ng injuries at ginagamot na, kabilang ang isang siete anyos na bata, 12 sa mga ito ay inilipat na sa mga ospital.
Sa ulat ng TVE public television ng Spain, mayroong mahigit sa 130 flats ang 14 na palapag na gusali na mabilis na tinupok ng apoy, na nirespondehan ng 22 team ng mga pamatay sunog.
Sinabi ni Esther Puchades, deputy head ng Industrial Engineers Association (COGITI) ng Valencia, na mabilis na kumalat ang sunog dahil ang gusali ay nababalot ng highly flammable polyurethane cladding.
Kuwento ni Luis Ibanez, na nakatira malapit lamang sa gusali, “I looked out of a window and saw the flames engulfing the block ‘within a matter of minutes, as if it was made of cork.’ I couldn’t believe what I was seeing. The whole side of the building directly opposite was on fire, from the first floor to the sixth and seventh floor.”
Dagdag pa niya, “There was a really strong wind and the fire was spreading to the left at a huge speed.”
Two residents stand on a balcony, prior to being rescued, as firefighters battle a huge fire raging through a multistorey residential block in Valencia on February 22, 2024. Spanish firefighters were battling a huge fire raging through a multistorey residential block in the eastern port city of Valencia today, the emergency services said. Flames and vast clouds of black smoke engulfed the building, with 22 teams of firefighters battling high winds to tackle the blaze, the 112 emergency services said. In a post on X, formerly Twitter, the emergency services said seven people had been lightly injured: a minor, three adults and three firefighters, most of them suffering from smoke inhalation. (Photo by Jose Jordan / AFP)
Hinimok ni Valencia Myor Maria Jose Catala ang publiko na lumayo sa lugar upang makapagtrabaho nang maayos ang emergency services.
Isang babae na nagpapatakbo ng isang flower shop malapit sa gusali ang nagsabi, na ito ay mahigit lamang 14 na taon at may mahigit 100 flats na pawang okupado.
Aniya, “What caused the fire to spread was mostly the wind, it’s chaos.”
Sa kaniya namang post sa X, sinabi ni Spanish Prime Minister Pedro Sanchez, “I was shocked by the terrible fire. I also contacted the mayor and the region’s leader to offer whatever help needed. I offer my condolences to everyone affected by the blaze.”
Ang pangamba na ang polyurethane cladding ang nagpatindi sa sunog sa Valencia, ay nagpaalala sa trahedya noong 2017 nang masunog ang Grenfell Tower sa London.
Sa naturang sakuna, 72 katao ang namatay sa nangyaring sunog sa isang 24-na palapag na gusali, kung saan ang apoy ay mabilis na kumalat dahil sa highly combustible cladding sa outside walls nito.