Apat sa priority bills ng administrasyon haharangin ng oposisyon sa Senado
Nagkasundo na ang oposisyon sa Senado na harangin ang apat na panukalang batas na kasama sa priority agenda ng adminitrasyon.
Kasama na rito ang panukalang ibalik ang parusang bitay sa mga kasong may kaugnayan sa iligal na droga, panukalang ibaba ang edad ng mga batang maaring patawan ng criminal liability, pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre at ang pagbabago sa sistema ng gobyerno o charter change.
Nag meeting na ang oposisyon bago mag break ang sesyon noong Marso.
Iginiit ni Senador Antonio Trillanes na hindi lang mga taga oposisyon ang tutol sa pagpapaliban ng Brgy. election kundi maging ang mga Senador na kaalyado rin ng Pangulo.
Sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo inaasahang maisasalang na sa plenary ang ilan sa mga legislative agenda ng administrasyon para maihabol bago mag adjourn sa Hunyo.
Ulat ni: Mean Corvera