Apatnapu pang pinoy sa abroad, nagpositibo sa COVID-19 ayon sa DFA
Apatnapu pang overseas Filipinos ang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa Dept. of Foreign Affairs (DFA), dahil sa dagdag na mga kaso, umaabot na ngayon sa 23,317 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa kalipunan ng mga Filipinos na nasa labas ng bansa.
May 87 namang naragdag sa bilang ng mga gumaling, kayat ang kabuuang COVID-19 recoveries ay aabot na sa 13,552.
Ang kabuuang bilang naman ng mga namatay ay 1,389 matapos na may maragdag na dalawa.
Ayon sa kagawaran, ang Gitnang Silangan at Africa ang mga rehiyon na may pinakamaraming Covid cases (13,113), recoveries (6,633), at deaths (927) sa mga pinoy abroad.
Sa mga bansa naman sa America may pinaka kaunting Covid cases (1,036) at recoveries (660), habang sa Asia Pacific region ang may pinaka kaunting Covid deaths (84) sa kalipunan ng mga overseas Filipinos.
Dagdag pa ng DFA, patuloy ang kanilang monitoring at pagtulong sa mga pinoy na nasa abroad sa gitna ng pandemya, kasama ng kanilang Foreign Service Posts.