Apatnaraang libong katao na-displace matapos kubkubin ng RSF ang North Darfur camp – UN

0
Apatnaraang libong katao na-displace matapos kubkubin ng RSF ang North Darfur camp – UN

A child is tested for malnutrition last month at the World Food Programme (WFP) camp at El Fasher, in Darfur, Sudan. Photograph: WFP/Reuters

Iniulat ng International Organizarion for Migration ng United Nations, na aabot sa apatnaraang libong katao ang na-displace matapos kubkubin ng Rapid Support Forces (RSF) ang Zamzam camp sa Sudan malapit sa North Darfur.

Nasakop ng RSF ang kampo kasunod ng apat na araw na pag-atake, na ayon sa gobyerno at aid groups ay nag-iwan ng daan-daang patay o sugatan.

Ayon sa United Nations, lumitaw sa preliminary figures na mahiit sa tatlongdaang mga sibilyan ang namatay sa labanan sa paligid ng Zamzam at Abu Shouk displacement camps, at maging sa katabing bayan ng al-Fashir.

Sinabi ng isang tagapagsalita ng U.N., na kabilang sa mga namatay ang sampung humanitarian personnel mula sa Relief International, na namatay habang naka-duty sa isa sa pinakahuling gumaganang health centers sa Zamzam.

Ang giyera sa Sudan ay sumiklab noong April 2023, sanhi ng hidwaan sa pagitan ng army at RSF na naging dahilan upang ma-displace ang milyun-milyong katao at lumaganap ang kagutuman sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *