Aplikasyon para sa COVID-19 Adjustment Measure Program ng DOLE sarado na
Hindi na tatanggap ng aplikasyon ang Department of Labor and Employment para sa COVID-19 Adjustment Measure Program o CAMP 3.
Ang CAMP 3 ay programa ng DOLE para sa mga manggagawa sa pribadong sektor na naapektuhan implementasyon ng Alert Level 3 o mas mahigpit pang alert system.
Sa ilalim nito, may one-time cash assistance sila na P 5,000.
Ayon sa DOLE, mula noong March 4 ay itinigil na nila ang pagtanggap ng online applications para sa CAMP 3.
Tiniyak naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III na bago isara ay ipoproseso nila lahat ng aplikasyon at isasalang sa evaluation.
Maaari namang i-track ng mga aplikante ang kanilang ipinasang aplikasyon sa website ng DOLE, o kaya’y patuloy na bisitahin ang Facebook ng ahensya.
Hanggang noong March 6, halos 30,000 na aplikasyon para sa CAMP 3 ang inaprubahan ng DOLE.
Ayon kay Bello, sa oras na magdeklara ulit ang Inter-Agency Task Force o IATF ng Alert Level 3 o mas mataas pang alert level ay handa silang buksan ulit ang aplikasyon para sa CAMP 3.
May iba parin naman aniyang programa at serbisyo ang DOLE para sa mga manggagawa sa gitna ng nagpapatuloy pang pandemya.
Madz Moratillo