Appointment ni Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano, tuluyan nang ibinasura ng Commission on Appointments

 

Tuluyan nang ibinasura ng Commission on Appointments ang ad interim appointment ni Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano.

Mahigit labintatlong miyembro ng CA ang pumabor na ma-reject ang kumpirmasyon ni Mariano.

Isa sa pinagsabihan ng pag-reject kay Mariano ang joint resolution ng security officials ng Region 11 kung saan inirerekonenda na tanggalin si Mariano bilang kinatawan ng government peace panel dahil sa pagpa-plano at pag-atake ng CPP NPA NDF sa Lapanday group of companies at pamilya Lorenzo.

Ang resolusyon ay pirmado nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, AFP Chief of Staff General Eduardo Ano, apat na gobernador at si Davao Mayor Sarah Duterte Carpio.

Nakwestyon din si Mariano kung paano ipatutupad ng patas ang batas sa CAR gayong ito mismo ay kumbinsidong depektibo ang Agrarian Reform Law.

Bias rin si Mariano dahil batay sa mga natanggap na dokumento ng CA, mas binibigyan ng undue advantage o priority ni Mariano ang mga magsasaka na kabilang sa kaniyang dating organisasyon na hindi naman beneficiary ng CARP.

Si Mariano na ang ikaapat na cabinet member na na ni-reject ng CA.

Samantala, inaprubahan ng CA ang promosyon ng animnaput limang military officials na may ranggong colonel hanggang Brigadier General.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *