Approval para gamitin ang Covaxin sa mga nasa edad 2-18, hiniling
Inanunsiyo ng US company na Ocugen, na humiling sila sa mga awtoridad ng emergency use authorization para sa Covid-19 vaccine na Covaxin para sa mga nasa edad 2-18.
Ang Covaxin na dinivelop sa India ng partner ng Ocugen na Bharat Biotech, ay nakakuha ng emergency approval mula sa World Health Organization (WHO) nitong Miyerkoles at pinayagan nang gamitin sa 17 mga bansa.
Milyun-milyong doses na ang naibigay sa adults sa labas ng Estados Unidos, partikular sa India.
Ang naturang bakuna ay gumamit ng inactivated virus technology na karaniwang ginagamit sa mga bakunang pambata gaya ng polio vaccine.
Sa clinical trial ng 526 mga bata, walang serious adverse events o hospitalizations na naobserbahan, ngunit ang sample size ng pag-aaral ay maaaring hindi sapat para maka-detect ng rare side effects.
Ang datos ng Ocugen mula sa nabanggit na clinical trials na ginawa sa labas ng Estados Unidos, ay maaaring hindi pa sapat para pagbigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ang kahilingan.
Ang approval request ay ibinase sa resulta mula sa pag-aaral sa 526 mga bata na nasa pagitan ng 2 at 18 taon gulang na nakatanggap na ng dalawang doses ng Covaxin, na 28 araw ang pagitan.
Ayon sa Ocugen co-founder na si Shankar Musunuri . . . “The move is a significant step toward our hope to make oir vaccine candidate available here.”
Pfizer vaccine lamang unang inaprubahan sa Estados Unidos para sa mga batang wala pang 18 anyos, at nitong linggong ito ay pinayagan na rin ng health authorities na maiturok ito sa mga batang 5-11 taong gulang. (AFP)