Approval para sa bakuna kontra ASF, hinihintay ng DA
Nananatili pa ring banta sa livestock industry ang kaso ng African Swine Fever (ASF)
Ito ang inihayag ni Assistant Secretary for Operations Arnel de Mesa ng Department of Agriculture (DA) sa isinagawang livestock press conference.
Sinabi ni de Mesa na nanatiling kumakalat ang ASF sa Visayas Region partikular sa mga lalawigan ng Aklan, Antique, Negros Oriental at Negros Occidental.
Pero ang magandang balita, ayon sa opisyal, ay ang matagumpay na clinical trial ng ASF vaccine na gawa sa Vietnam batay sa report ng Bureau of Animal Industry (BAI)
Inihayag ni de Mesa na hinihintay na lamang ngayon ng DA ang certificate of product registration (CPR) para mabili ang Vietnam-made anti-ASF vaccine.
Batay sa report 600,000 doses ng anti-ASF vaccine ang inilaan ng Vietnam para sa Pilipinas ngayong taon sa sandaling maglabas ng CPR ang Food and Drug Administration (FDA).
Vic Somintac